BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Huwebes, Hunyo 3, 2010

BYE :(

--"bye"..We often use this word if someone is leaving.

--well,Im saying this word for now.Ill be leaving my town and leave in a more big town to study.

--Mag papaalam na muna ako sa ngayon.Ito na ang aking huling post.Akyat na ako ng Baguio bukas.Doon na muna aq maninirihan dahil dun ako mag-aaral.Update na lng ako pg may free time.

--Its hard for me to say "BYE" to him.Tuwing naiisip kung mag paalam sa kanya ay napapaluha ako.Mahirap sa aking damdamin ang magpaalam sa knya.Mahirap sa kadahilanang ayaw kung magpaalam at mapalayo sa kanya.Hindi nmn tlga paalam ang lahat ei.Uuwi nmn ako pag may maluwag na oras.

--Bagong buhay ang naghihintay sa akin sa Baguio.Bagong paaralan,Bagong lifestyle at bagong mga kaibigan.

--Sana sa bagong paaralan na aking papasukan ay maging ok ang lahat.Makayanan ko sana ang mga pagsubok na ipapagawa ng mga professors ko.Sana matapos ko ang aking apat na taon sa kolehiyo at maging isang sucessful HUMAN RESOURCE MANAGER sa future.Sana malampasan ko lahat ng pressures sa college life.Gagawin ko lahat ng aking makakaya na makapag-aral ng mabuti.
Hindi ko man sineryoso ang aking pag-aaral noong hayskul,gagawa aq ng paraan na maging seryoso ngayon.Dahil dito nakataya ang aking kinubukasan o ang kinabukasan naming dalawa. Magiging first priority ko ngayon ang pag-aaral.Secong priority na lamang siya.

--Bagong Lifestyle.Mapapalayo ako sa aking mga magulang.Kelangan ko maging independent at mabuhay mag-isa.Maninirahan lamang ako kasama ang aking kaibigan na si Bianca.Sana makayanan naming dalawa ang mabuhay mag-isa.Lahat ng gawain ay aming gagawin sapagkat wala na aming ina sa aming tabi upang gumawa ng lahat ng mga ito.

--Bagong mga kaibigan.Syempre pagpasok mo sa isang bagong paaralan kelangan mo munang mag-adjust..Kelangan ng bagong kaibigan pra tulungan ka nila at tulungan mo din sila. Sna marami akong makasundo at pra magkaroon ng madaming kaibigan.

(excert lamang)
*Naalala ko tuloy ang aking unang araw sa hayskul.Bago lamang ako sa lugar na iyon.Dahil lumaki ako sa isang malaking syudad(Dagupan City).Wala pa akong kilala kahit isa.Luckily c Kuya ay ang Pangulo ng studyante sa paaralan na iyon.Nakita ko na ang aking mga kamag-aral ngunit sila ay dati ng magkakilala sa isat-isa ako pa lamang talaga ang walang kakilala..Two weeks ata noon bago ako nakapag adjust.

0 (mga) komento: